Okay, Miriam!

Panaghoy ng Naghihingalong Tilapia Sa Gitna ng Trapiko sa Alabang-Zapote Road

Ayokong maging pananghalian lang
Gilitan man ako't nakawan ng hasang,
tapyasan ng buntot,
tanggalan ng bituka't mga kalamnan
Ako lang ang pipili
ng huli kong hantungan.

Malagutan man ng hininga
Hindi 'to sa isang plastik na supot
o sa panibagong sangkalan
At lalong hindi
sa inasinang tubig
O sa kumukulong mantika.

Mainit ang kalsada,
maingay ang mga sasakyan,
at masakit ang hampas ng semento sa katawan

pero malawak at maliwanag ang langit
na singkulay ng tubig.

Pwede na 'to, pwede na dito
Paalam, Mundo
Ito man ang naging wakas ko,
Ito ang wakas na pinili ko.

#fiction #tagalog