Okay, Miriam!

Liham kay Nebula

Hindi ka ulap lang sa kalawakan. Balang araw magkakamalay ka't magigisnan mo ang bituing sumabog at umiri ng daan daan pang bituin sa pagluwal sa 'yo. 

May talang pumanaw ngunit nabuhay na magmuli. May ibabaon sa limot. May dadayo sa kalye Kumintang kung saan naro'n ka, at may maghihintay din ng pagdayo mo. (Ang pugad mo ay awit ng pagsinta't digmaan, at hindi yan bunga lang ng pagkakataon)

Nagdiwang hindi lang ang mga anghel sa langit kundi maging mga pira-pirasong labi ng talang hindi nagisnan ang kanyang Ina.

Hindi ka alikabok lang. May napunit na laman, may humiyaw ng di mapigil na awit ng sakit at walang katapusang pagibig at kasunod nito, ang pagpalahaw mo ng iyak. 

Mahal naming Nebneb, ikaw ang marahang kinang sa dilim at ang pugad ng lahat ng pagibig namin.

#personal #tagalog